Itinuro ng isang legal expert na may malaking epekto at implikasyon sa normalization process ng Bangsamoro Peace Agreement ang pagkawala ng MILF leadership sa BARMM Parliament.
Ipinahayag ni Atty. Badrodin “Bador” Mangindra sa kanyang panayam sa Bombo Radyo, na peligroso ang pagtatapos ng political track ng kasunduan habang wala pa man sa kalahati ang normalization process tulad ng wealth at revenue sharing code.
Dugtong pa ng abogado na tanging ang MILF at ang Gobyerno ng Pilipinas ang opisyal na mga partido sa kasunduan, at hindi ang BARMM government.
Bunga nito, nanawagan ang opisyal na kinakailangang tingnan ang strained relation ng kasalukuyang liderato upang hindi maging biktima ang peace agreement sa pinaghihinalaang tyranny of numbers sa bagong parliament.











