Sa gitna ng mga ipinahayag na pakinabang ng bagong Government Complex, hindi pinalampas ni Konsehal Yvy Emano na kuwestiyunin ang praktikalidad ng planong pagkakautang ng 8.5 bilyong piso ng lungsod.

Sa pamamagitan ng hawak na ulat ng Commission on Audit (COA), ipinahayag ng opisyal ang pangamba sa pagtaas ng panukalang halaga mula sa dating 2.7 bilyong piso sa gitna ng mga kontratang hindi pa nababayaran.

Binanggit din ng konsehal ang mga matagal nang napabayaang proyekto tulad ng public market at Macanhan Super Health Center na hindi pa rin natatapos hanggang ngayon.

Dahil sa kinakaharap na sitwasyon, iginiit ng opisyal na ang malaking pagkakautang ay mag-iiwan ng mabigat na obligasyong pasasamantalahin at papasagutan sa mga susunod pang administrasyon.