CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahandang magbibigay ng cash reward ang tanggapan ni City Mayor Oscar Moreno para sa ilang indibidwal na mayroong direktang impormasyon na maaring ika-aresto at ika-resolba nang pagka-baril patay sa anak ng kanyang kaalyadong kongresista na si Cagayan de Oro 1st District Rep Rolando ‘Klarex’ Uy sa isang quarry site ng Barangay Pagatpat ng lungsod.

Ito ay matapos mismo si Moreno sa halip na si Cong Klarex ang nakapunta sa crime scene kung saan nakikita nito ang nakabulagta na katawhan ng bitkima na si Carmen Brgy Kag Roland Sherwin Uy kung saan nagtamo ng anim na tama ng bala mula sa kalibre 45 na baril na ginamit ng motorcycle in tandem suspects.

Inihayag ng alkalde na pina-finalize na nito ang pipirmahan na direktiba o kautusan na magbibigay ng salapi bilang gantimpala para sa mga makakatulong ma-resolba ang agad ang pangyayari.

Bagamat hindi pa binanggit ng mayor kung magkano ang pera na ibibigay o maaring makuha ng mga personalidad na makakatulong sa kaso.

Una nang kinastigo ni Moreno na nasa likod ng mga pagpapakalat ng impormasyon at ipinipilit na idugtong sa isyu ng politika o illegal na droga kung bakit pinatay ang panganay na anak ng kongresista.

Si City Mayor Oscar Moreno

Sa ngayon,maingat muna ang nabuo na Special Investigation Task Group sa mga inilabas nila na mga pahayag kaugnay sa nagpapatuloy pa nila na imbestigasyon.