Nilinaw ni Police Major Joann Navarro, tagapagsalita ng PRO-10, na wala silang namonitor na validated na banta sa seguridad na nakatuon sa mga aktibidad ng Higalaay Festival ngayong buwan.
Gayunman, iginiit ng opisyal na hindi sila magpapabaya at patuloy na pinahihigpit ang kanilang intelligence monitoring sa buong lungsod.
Bukod dito, nakipag-ugnayan ang kapulisan sa mga festival organizer at iba pang ahensiya ng seguridad upang matiyak ang maayos na proteksiyon sa publiko.
Dahil dito, nagpakalat pa rin ang kanilang tanggapan ng sapat na deployment ng mga pulis upang masiguro ang mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng malaking kapistahan sa Cagayan de Oro.











