CAGAYAN DE ORO CITY-Timbog ang isang public school teacher sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy Kibangay, Lantapan Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Arnelh Rey Alon, 37, na residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Lantapan Municipal Police Station Commander Major Jerry Paronia na gamit ang P500 na marked money, nabilhan nila si Alon ng isang sachet ng pininiwalaang shabu.

Ayon kay Major Paronia, dati na ring nahuli ang suspek sa kasong may kaugnayan din sa bawal na gamot.