CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang dalawang magkapatid na brutal na pumatay sa kanilang sariling tiyuhin sa may Sitio Calaanan, Barangay Canitoan nitong lungsod.

Kinilala ang nasawing tiyuhin na si Rolie Sabaldana habang ang mga suspek ay sina Raffy La Roa, 29, at Anthony, 25.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na nagalit ang magkapatid nang sugurin ni Sabaldana ang kanilang ama na si Ricardo Sabaldana, 59-anyos at pinagmumura at sinabihan na isang tamad.

Sinuntok umano ni Rolie si Ricardo matapos siyang sinabihan na “baliw”.

Nakita ito ng magkapatid dahilan upang kanilang tinaga gamit ang palakol ang kanilang tiyuhin at saka inundayan nang maraming saksak.

Muntik pang maputol ang leeg ng biktima na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.