CAGAYAN DE ORO CITY-Bumuti ang datus ng mga tinamaan ng coronavirus sa Cagayan de Oro.

Itoy matapos umakyat pa sa 63.79 percent ang recovery rate sa COVID-19 sa lungsod.

Base sa inilabas na ulat ng City Health Office, 68 pasyente ang nakarekober nitong araw.

Sa 1,790 ng mga COVID-19 positive sa lungsod, 1,142 na ang gumaling laban sa nakamamatay na virus.