CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency, kasama ang Police Special Action Force at Marawi City Police Office ang dalawang hinihinalang drug peddlers, kabilang ang isang empleyado ng provincial security force, at nakumpiska ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Marawi City noong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ni Gil Cesario Castro, direktor PDEA-BARMM ang mga suspek bilang alyas “Alex,” 42, miyembro ng provincial security force at residente ng Tamparan, Lanao del Sur, at alyas “Muning,” 33, ng Barangay Tampilong, Marawi City.
Naaresto ang mga suspek matapos ang tatlong linggong surveillance at narekober ang limang malaking sachet ng shabu na may timbang na 500 gramo, buy-bust money, dalawang mobile phones, mga identification cards, at isang motorsiklo.
Ikunulong na ang mga suspek sa PDEA-BARMM jail facility at nahaharap sa inquest proceedings para sa paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Simula noong Enero 1, ang PDEA-BARMM ay nakumpiska ng humigit-kumulang P15 milyong halaga ng shabu mula sa iba’t-ibang operasyon sa rehiyon, mula probinsya Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Tawi-Tawi, at maging ang mga lungsod ng Cotabato, Marawi, Lamitan at ang walong munisipalidad sa Special Geographic Area ng BARMM.
(Photo courtesy of PDEA-BARMM)