CAGAYAN DE ORO CITY-Nauwi sa barilan at nagresulta sa pagkamatay ng isang tao ang pagsilbi ng search warrant sa Purok 7, Brgy Poblacion, Manticao Misamis Oriental.
Sinabi ni PLt. Chance Ramirez, hepe ng Manticao Police Satation na biglang namaril ang target na si Danny Arjanon Babayran, 57-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar nang makita ang kanilang presensya.
Ayon kay Lt. Ramirez, agad naman umano silang gumanti at tinamaan si Babayran.
Naisugod pa sa ospital ang target nganit binawian din ito ng buhay.
Nakuha sa crime scene ang 3.8 revolver ng target, illegal na droga at iba pa.