CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang SK Chairman at isang Brgy Kagawad matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Bukidnon at Misamis Oriental.

Kinilala ang mga suspek na sina Elfe John Ardon, 24, SK chairman sa Brgy Mibantang, Quezon Bukidnon at Methosilo Galdo Gaston, 54-anyos, Kagawad sa Brgy Poblacion 4, Balingasag Misamis Oriental.

Nakuha sa posisyon ni Ardon ang tinatayang nagkakahalaga ng P32,000 at 4 na sachet naman kay Gaston na pinaniniwalaang shabu.