CAGAYAN DE ORO CITY-Hinikayat ni Misamis Oriental Provincial Task Force on COVID- 19 chairman Dr Jerie Calingasan ang mga alkalde kasama ang municipal at city health officers na panatilihin ang pokus sa pagbabantay sa bawat lugar laban sa coronavirus pandemic.

Itoy matapos maitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa lalawigan nitong linggo lamang.

Sinalubong ang OFW sa Laguindingan Airport noong Hunyo 6 at isinailalim sa swab testing at nadiskubreng taglay na nito ang virus.

Sa ngayon ay naka isolate na ang pasyente at isinailalim sa gamutan.