Nilinaw ni Janboy Actub, tagapagsalita ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, ang dahilan kung bakit patuloy na isinusulong ng lungsod ang ₱8.5B loan sa kabila ng mga COA findings.


Ayon sa opisyal, ang ulat ng COA ay buod lamang ng lahat ng financial transactions ng iba’t ibang administrasyon at hindi indikasyon ng pagkawala ng pondo.


Ipinaliwanag pa na ang pagkaantala ng mga proyekto gaya ng City Library at Mega Health Center ay dulot ng kapalpakan ng mga kontraktor at hindi ng kasalukuyang pamunuan.


Dagdag pa, ang pagtatayo ng bagong government complex ay isang long-term program upang magbigay ng mas maayos na serbisyo at mas maluwag na espasyo para sa mga taxpayers habang abot-kaya pa ang presyo ng lupa.