CAGAYAN DE ORO CITY-Nilinaw ni Fire Arson Investigator FO3 Nicholas Acobo ng Cogon Fire Station na operational at unang rumesponde sa lugar ang Engine 7 firetruck na nadamay sa sunog sa Barangay 7, Burgos Street.

Ipinaliwanag niyang nahirapan ang sasakyan sa pag-atras dahil sa malakas na hangin na nagpalala ng apoy.

Dagdag pa niya, ligtas ang nozzleman, ngunit nagtamo ng first degree burns sa braso at nawalan ng pandinig ang driver habang pilit inilalayo ang firetruck sa malaking apoy.

Una rito umabot sa 4th alarm ang sunog na tumama sa barangay kung saan nasa 10 bahay ang nasunog, 7 ang totally damaged at 3 ang bahagyang nasira. Tumagal ng mahigit 3 oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Tinatayang ₱8 milyon ang halaga ng pinsala batay sa inisyal na ulat.