CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni PRO-10 spokesperson Police Major Joann Navarro na inalis na sa kanilang puwesto ang dalawang PNP personnel—isang police captain at isang korporal—dahil sa pagkakasangkot sa kasong sexual assault laban sa dalawang criminology interns.
Inilipat ang dalawa sa City Holding and Accounting Section ng COCPO at nadisarmahan na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Kukuha ng pahayag ang Women and Children Protection Desk mula sa mga biktima.
Tiniyak ni Navarro na hindi kukunsintihin ng PRO-10 ang naturang insidente alinsunod sa direktiba ni Police Brigadier General Aaron Mandia.











