CAGAYAN DE ORO CITY-Kinumpirma ng Department of Education Region 10 na umabot na sa 32 ang kanilang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni DepEd-10 regional director Arturo Bayocot na kabilang sa mga nagpositibo sa coronavirus ang teaching at non teaching staff sa rehiyon.

Aniya sa 32 na tinamaan ng COVID-19, nakarekober na umano ang 15 nito habang binawian ng buhay ang isa na nagmula sa Iligan City.

Tiniyak naman ng naturang opisyal ang kanilang ginawang adjustment upang hindi maapektuhan ang kanilang trabaho lalo na’t magbubukas na ang klase sa October 5 araw ng lunes.