CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong Rape in relation to RA 7610 ang isang 67-anyos na karpintero matapos umanong gahasain nito ang 10-anyos na batang babae sa Brgy Manaka, Ozamis City, Misamis Occidendal.
Kinilala ang suspek na si Democreto Antiola, na residente ng Purok 4 sa naturang Barangay.
Sinabi ni Ozamis City Police Station Commander Lt. Col. Shirwen Lapiz na nahuli mismo sa akto ng kapatid ng biktima ang ginawang krimen ng suspek.
Ayon kay Lapiz, sa kanilang ginawang pagtatanong sa suspek ay wala na umano itong matandaan sa nangyari dahil sa kalasingan.