JUST IN: Kinumpirma ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong na nakapagsumite na ng ‘counter-affidavits’ ang magkapatid na Villar na sina Sen. Mark at Sen. Camille ngayong araw.
Aniya’y kapwa na nila ito napanumpaan bago pa man isagawa ang nakatakdang ‘preliminary investigation’ ngayong araw sa Department of Justice.
Personal na dumating ang magkapatid sa DOJ upang ipasa ang kanilang ‘kontra-salaysay’ sa kinakaharap na mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission.











