Sa pagbubukas ng 66th Palarong Pambansa 2026 sa Prosperidad, Agusan del Sur, ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr. ang mensahe ng pagbati at inspirasyon para sa mahigit 10,718 student-athletes mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Binanggit ng Pangulo na ang bawat atleta ay hindi lamang nagdadala ng pangalan ng kanilang paaralan at rehiyon, kundi pati na rin ng pangarap at inspirasyon ng kapwa kabataan.
Ipinahayag niya na ang sports ay higit pa sa pisikal na lakas, ito ay daan upang hubugin ang disiplina, tiyaga, respeto, at malasakit sa kapwa.
Kasabay nito, inanunsyo ni President Marcos ang makasaysayang ₱10M incentive fund mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga medalist at record-breakers sa regular sports at para games, unang pagkakataon sa kasaysayan ng Palaro.
Bahagi ito ng mas malawak na programa ng pamahalaan upang palakasin ang grassroots sports development, kabilang ang pagpapatatag ng School Sports Clubs at pamamahagi ng sports equipment sa libu-libong paaralan.
Hinimok ng Pangulo ang mga atleta na ibigay ang kanilang buong makakaya ngunit huwag kalimutan ang kasiyahan sa bawat laban, sapagkat ang Palaro ay plataporma ng pagkakaisa at paghubog ng karakter ng kabataan.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, tiniyak niya ang suporta ng pamahalaan, mga magulang, guro, at coach, at idinagdag: “
at sinabing dalangin niya ang tagumpay sa paligsahang ito.











