CAGAYAN DE ORO CITY – Iginiit ni Prosecution Panel Spokesperson at Adviser, dating Kinatawan Robert Ace Barbers, na malaki ang naitulong sa kanilang presentasyon ng ebidensya ang testimonya ni Lemuel Ortonio, Assistant Chief of Staff ng Office of the Vice President.

Inamin ni Ortonio na lahat ng utos sa paggastos ng confidential funds ay nagmula kay VP Sara Duterte, at walang kapangyarihan ang dating disbursement officer na si Gina Acosta na magpasya kung dapat gastusin ang pondo para sa mga operasyon.

Dagdag pa ni Ortonio, wala rin siyang awtoridad na kuwestiyunin si dating VPSPG Chief Colonel Raymund Dante Lachica hinggil sa mga resibo at patunay ng paggamit ng pondo.

Dahil sa matibay na pahayag ng dalawang hostile witnesses, naniniwala ang prosecution na hindi makakaiwas si VP Sara sa pananagutan sa umano’y ilegal na paggamit ng milyong halaga ng confidential funds.