CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpahayag si Prosecution Panel Spokesperson at Adviser Robert Ace Barbers na pinag-uusapan pa ng kanilang grupo kung gagawing hostile witness si dating VPSPG Chief Colonel Raymund Dante Lachica.

Ayon kay Barbers, hindi accountable si Lachica dahil ang tunay na mananagot ay ang nag-utos sa kanya. Isa sa mga halimbawa na binanggit ni Barbers ay ang mga dokumento mula sa Commission on Audit (COA) kung saan imbes na “purchase of information,” ang confidential funds ay ginamit umano sa pagbili ng mga bangko, mesa, at gamot.

Dahil dito, iginiit ng COA na dapat ibalik ang pondong hindi nagamit sa tamang paraan alinsunod sa memorandum circular sa paggastos ng confidential funds.