CAGAYAN DE ORO CITY – Nalutas na para sa kapulisan ang kaso ng pamamaril na ikinasawi ng 31-anyos na ina at ikinasugat ng 17-anyos na babae sa Brgy. Tubigon, Initao, Misamis Oriental.

Ayon kay PRO-10 spokesperson Police Major Joann Navarro, naaresto si Marantao, Lanao del Sur Vice Mayor Ali Eskandar Unte Alonto III, 36, matapos ilabas ang dalawang arrest warrants laban sa kanya.

Nahuli si Alonto sa loob ng isang inn sa Iligan City kaugnay ng kasong pamamaril kay Jovy Reyna Esquillo noong Pebrero 16.

Nakadetine na siya sa Misamis Oriental Provincial Jail habang dinidinig ang mga kaso.