CAGAYAN DE ORO CITY – Nakakulong na sa Misamis Oriental Provincial Jail ang dalawang police trainees na kinasuhan ng rape laban sa kanilang kapwa babaeng trainee sa isang ilegal na team building sa Brgy. Aplaya, Jasaan.
Ayon kay PRO-10 spokesperson Police Major Joann Navarro, may sapat na ebidensya ang korte para ituloy ang kaso laban sa mga suspek.
Samantala, nasa floating status ang halos 40 pulis, kabilang ang anim na field training officers, na iniimbestigahan sa administratibong kaso kaugnay ng insidente.











