CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa ₱750,000 ang pinsala sa sunog na tumama sa Centro Bae, Brgy. Lumbia kahapon.

Ayon kay FSSUPT Rey Lorono, City Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection Cagayan de Oro, umabot sa third alarm ang sunog na nagsimula alas-dos y medya ng hapon.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente. Tiniyak ni Lorono na walang nasugatan o nasawi sa naturang sunog.