CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuro ni Monsignor Raul Ricacho, Rector ng St. Augustine Metropolitan Cathedral, na isa sa mga dahilan ng pagkakasangkot ng kabataan sa krimen ay ang mga bayolenteng laro gaya ng Counter-Strike.

Ayon sa kanya, nakahihikayat ang ganitong mga laro at maaaring magtulak sa kabataan na gumaya sa pamamaril.

Dahil dito, pinaalalahanan niya ang mga magulang na sa loob pa lamang ng tahanan ay dapat nang gabayan ang mga bata at ilayo sa mga larong ito.

Dagdag pa ni Ricacho, ang pagtatanim ng mabubuting aral tulad ng pagpapatawad at pakikipagkaibigan ang tunay na magbibigay ng magandang kinabukasan sa bawat pamilya.