CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimok ni Arsobispo Jose Cabantan, DD ng Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro, ang mga Kristiyano na maging isang eukaristikong komunidad na matatag sa panalangin at pagkakaisa.

Sa kabila ng mga pagsubok na nakaaapekto sa pananampalataya ng tao, sinabi ng arsobispo na saksi ang simbahan sa mga suliraning bumabalot sa damdamin ng mga mananampalataya, ngunit hindi dapat maramdaman ang lubos na kahinaan upang maiwasan ang pagbagsak.

Dagdag pa niya, tulad ni San Agustin, dapat hanapin ng tao ang tunay na kasiyahan sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos sa panalangin. Ito ang kanyang mensahe sa pontifical mass sa kapistahan ni San Agustin sa lungsod kahapon.