CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela si IFI Cagayan de Oro Diocese Bishop Felixberto Calang ang mamamayan na maging matapang at manindigan upang may managot sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Kaugnay ito sa umano’y pagkawala ng sigasig ng publiko na papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian, gaya ng flood control corruption scandal.

Ayon kay Calang, kung mananatiling tahimik at walang pakialam ang taumbayan, patuloy lamang na magtatamasa ang mga tiwaling nasa pamahalaan.