CAGAYAN DE ORO CITY – Bagaman natapos na ang Higalaay Festival ngayong taon, ipinahayag ng tagapagsalita ni Mayor Klarex Uy na si Janboy Actub na may dagdag na kasiyahan para sa publiko sa pamamagitan ng libreng sakay sa Mary Rose Carnival sa Limketkai Complex.

Ayon kay Actub, ipinatupad ang bagong yugto ng libreng sakay mula Setyembre 1 hanggang 3 para sa lahat ng residente.

Nakalaan naman ang Setyembre 4 para sa senior citizens at Setyembre 5 para sa mga PWDs.

Inaasahang magpapatuloy ang operasyon ng carnival hanggang kalagitnaan ng Setyembre upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga residente na masiyahan sa natitirang kasayahan ng pista.