CAGAYAN DE ORO CITY – Tinupok ng malaking sunog ang tinatayang 18 kabahayan sa Zone 9, Creekside, Macanhan sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro.

Ayon kay Barangay Kagawad Angelo Sabanal, nakontrol na ang apoy at agad na tinutulungan ng mga opisyal at disaster team ang mga naapektuhan.

Inihanda ang Carmen National High School bilang pansamantalang evacuation center habang inaasikaso ng mga BHW at BNS ang pagkain ng mga nasunugan.

Pinayuhan din ng opisyal ang mga residente na maging mapagbantay upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya. Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang opisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection hinggil sa sanhi ng sunog.