Nagbabala si Dr. John Vianne Murcia, isang ekonomista, na posibleng lumala ang kakulangan sa suplay ng tubig sa Pilipinas dahil sa milyun‑milyong galon ng tubig na gagamitin ng mga data center sa ilalim ng Pax Silica.

Ayon kay Murcia, sa gitna ng mabagal na pag‑unlad ng ekonomiya at kakulangan sa manufacturing logistics na dulot ng korapsyon at politika, ang operasyon ng mga data center ay maaari ring magdulot ng heat island effect na magpapainit sa mga kalapit na lugar.

Dahil dito, nanawagan siya sa mga kongresista at sa Korte Suprema na suriin ang mga probisyon ng batas upang matiyak na hindi ito lalabag sa batayang karapatan ng tao at sa pangangalaga sa kalikasan.