CAGAYAN DE ORO CITY – Inihayag ni Prosecution Panel Spokesperson at dating kongresista Robert Ace Barbers na ginamit nila ang pahayag ni Arturo Lascañas hinggil sa umano’y pag-utos at pagpayag sa mga extrajudicial killings sa Davao City upang patunayan ang sinasabing pattern of violence ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Barbers, ang affidavit na ginamit bilang ebidensya laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte ay tinanggap na ng Impeachment Court. Naghihintay na lamang ng desisyon mula sa mga senator-judges sa oras na pormal nang maipresenta ang naturang ebidensya, na posibleng magsilbing matibay na batayan sa mga alegasyong grave threats na umano’y ginawa ng pangalawang pangulo laban sa ilang opisyal ng bansa.











