CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala si Joever Monceda, Solutions Architect at CEO, hinggil sa doble‑kara na epekto ng Artificial Intelligence (AI).

Ayon sa kanya, bagama’t nakapagbibigay ang AI ng malaking tulong sa larangan ng edukasyon at negosyo, may kaakibat din itong seryosong panganib. Isa na rito ang tinatawag na agentic AI, na may kakayahang kontrolin ang kompyuter nang hindi na kailangan ng direktang utos mula sa tao.

Ipinaliwanag ni Monceda na ito ang pangunahing dahilan kung bakit maraming manggagawa sa BPO sector o call centers ang nawalan ng trabaho dahil sa automation.

Nagbigay din siya ng babala sa publiko na mag‑ingat sa pag‑click ng mga kahina‑hinalang links, dahil ginagamit ang AI sa paggawa ng pekeng impormasyon at phishing attacks upang makakolekta ng personal na datos.