CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko na magtulungan sa pagtitipid ng enerhiya, lalo na tuwing peak hours.
Ayon kay NGCP Mindanao Spokesperson Mae Roselle Curiano, mahalagang pamahalaan ng mga tao ang kanilang paggamit ng kuryente dahil kulang na ang suplay sa rehiyon. Malaking tulong umano kung papalitan o i‑unplug ang mga kagamitang naka‑standby lamang.
Dagdag pa ng opisyal, ipinatutupad din ng NGCP ang conservation measures sa kanilang tanggapan, gaya ng pagpapatay ng ilang aircon at ilaw, upang makatulong sa pagbawas ng demand sa kuryente.











