CAGAYAN DE ORO CITY – Ayon kay Atty. Samson So Tan ng Liceo de Cagayan University, delikado ang pagpresenta kay Col. Raymund Dante Lachica bilang testigo sa impeachment court.

Kung hindi tiyak ang sagot nito, mas mabuting huwag na siyang ipresenta upang hindi masira ang kaso ng prosecution.

Dagdag pa niya, kung ang depensa ang maghahain kay Lachica, malaki ang posibilidad na ito’y gawin sa executive session na maaaring magdulot ng presyon at paniningil mula sa publiko.