Nakipagpulong si Mayor Rolando “Klarex” Uy sa CAFITADA group na pinamumunuan ni Bernie Jamaca at iba pang lokal na taxi operators upang talakayin ang pagpasok ng GSM electric taxis sa lungsod.
Binigyang-diin ng alkalde na mahalagang magkaroon ng bukas na dayalogo sa pagitan ng kumpanya at lokal na asosasyon upang maiwasan ang sigalot sa kalsada.
Ayon sa kanya, dapat tiyakin na hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga lokal na drayber at operator sa harap ng bagong teknolohiya sa transportasyon.
Hati ang opinyon ng publiko sa isyu dahil sinasabing hindi dumaan sa konsultasyon ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng GSM taxis.
May ilan na nakikitang makabago at mas environment-friendly ang naturang serbisyo, ngunit may pangamba rin na mapadaplin ang mga tradisyunal na taxi operators.
Sa huli, giit ni Uy na ang layunin ng pamahalaan ay balansehin ang modernisasyon at proteksyon sa kabuhayan ng mga lokal na sektor.











