CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpahayag ng pagkadismaya ang MASADA sa inilabas na arrest warrant laban kay VP Sara Duterte.
Giit ni Benito Ranque, insulto sa batas ang ginawa ng Quezon City RTC Branch 98 dahil wala itong hurisdiksyon sa impeachment trial.
Dahil dito, naghain sila ng resolusyon sa Senado upang ipa-contempt si Judge Maria Angelica De Ramos at ang DOJ.
Iginiit ng grupo na desperadong hakbang lamang ito ng ilang opisyal laban sa bise presidente. Tinukoy nila ang paglabag sa sub judice rule bilang malinaw na panggigipit.
Nanawagan ang MASADA na igalang ang proseso ng impeachment court.











