Walang ibang inilarawan ang Kilusang Mayo Uno sa pitong trilyong pisong 2027 national budget ng bansa na puno pa rin ng pork barrel at pondo ng mga opisyal kundi isang garapal na badyet.
Ipinahayag ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis na hangga’t mananatili ang sistema ng gobyerno na nakasandig sa political patronage at paglilingkod sa sariling interes, mananatili pa ring magdurusa ang mamamayang Pilipino.
Dagdag pa ng opisyal, ang badyet ng bansa ay nagsisilbing tunay na repleksyon ng direksyon ng gobyerno at ng prayoridad ng mga nakaupo sa kapangyarihan.
Kaya naman nanawagan ang grupo na sana ay ibigay ang pondo sa paglutas ng kawalan ng trabaho, mataas na presyo ng mga bilihin, at sa mga batayang pangangailangan ng mga manggagawa.











