Humingi ng tulong sa League of Cities of the Philippines ang ilang component cities sa Mindanao upang opisyal na maging highly urbanized cities sa bansa.
Ipinahayag ni Cagayan de Oro City Information Office Information Officer Jade Adeser na humingi ng tulong ang mga lungsod tulad ng Valencia at Pagadian upang ma-qualify at maiakyat sa pambansang pamahalaan ang kanilang hangarin.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapaunlad ang pagbibigay ng direktang serbisyo, badyet, at pamamahala sa mga naturang lugar nang hindi na umaasa sa pamahalaan ng lalawigan.
Subalit, nilinaw na nangangailangan ito ng karagdagang suporta upang makamit ang mga kinakailangang rekesito bago tuluyang maging independenteng











