Inaatasang mag-peak sa huling mga buwan ng taong 2026 ang strong to very strong El Niño at tatagal ito sa unang mga buwan ng taong 2027.

Ipinaalala ni Office of Civil Defense Region-10 Regional Director Antonio Sugarol sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad na ang kanilang mga preparedness interventions at i-activate ang mga contingency plans.

Nagbabala ang tanggapan sa inaasahang below normal rainfall, mahabang dry spell, at banta ng drought sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Dahil sa naturang peligro, nanawagan ang tanggapan sa lahat ng ahensya na maging proactive at palakasin ang information dissemination upang maiwasan ang epekto ng krisis.