Kaisa ng GMA chapter ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pagtatanggol sa mga peryodistang sinampahan ng kasong libel ni Congressman Pulong Duterte.

Ayon kay NUJP Secretary General Paul Soriano, ginagawa lamang ng mga peryodista ang kanilang trabaho upang magbigay ng totoong impormasyon sa publiko.

Ipinahayag din ng grupo na kinakailangang malaya ang mga mamamahayag mula sa mga pag-atake gamit ang criminal libel dahil ginagamit lamang itong sandata upang patahimikin ang midya.

Dahil dito, hinimok ng NUJP ang pagtatanggol sa samahan upang maprotektahan din ang demokrasya at ang karapatan ng taumbayan na makatuklas ng katotohanan.