Hiningi ni dating Mayor Oscar Moreno sa mga lokal na pamahalaan, partikular na ang lungsod ng Cagayan de Oro, na sundin at talagang tum alima sa wastong standards ng budget process.
Ayon kay Moreno, isang malaking pagkakamali ang pagpapalobo sa badyet ng lungsod na umaabot sa 9.5 bilyong piso ngunit ang kinokolektang actual revenue ay hindi man lamang umaabot sa 6 na bilyong piso.
Ipinaliwanag din ng dating opisyal na ginagawa lamang ang naturang bloated budget upang maipagtanggol at mailabas ang malalaking confidential funds habang isinasakripisyo ang batayang serbisyo sa mamamayan.
Dahil dito, hinimok ng abogado ang mga lider ng LGU na maging tapat sa pagpapaplano ng pondo upang hindi maapektuhan ang mga proyekto sa kalusugan at kabuhayan ng publiko.











