Hinarap ng isang analista ang pamahalaan at mga mambabatas kung saan nga ba talaga napupunta ang mga ilegal na insertion sa pondo ng bansa.

Nagpahayag sa Bombo Radyo si geopolitical analyst at Professor Lucanus Azrael Igot na nagdala ng malaking pagdududa sa publiko ang pagdeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang mga probisyon sa General Appropriations Act.

Ipinaliwanag ng propesor na ang ganitong katiwalian sa pondo ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, habang nasira rin ang tiwala ng mga stakeholder at ng publiko sa mga mambabatas at sa mga national government agencies.

Dahil dito, hinimok ng analista ang pamahalaan na tiyakin ang katuwiran at kalidad ng budget process upang maibalik ang tiwala ng taumbayan.