Pinaplanuhan ng Kabataan Partylist na maghain muli ng impeachment complaint laban kay Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa maagang bahagi ng susunod na taon.
Nagpahayag sa Bombo Radyo si Cobbie Jan Canda ng Kabataan Partylist na nakakita sila ng bagong matibay na batayan matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang mga budget insertion sa mga nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni Canda na si Presidente Marcos talaga ang kinakailangang managot dahil siya ang nag-apruba at lumagda sa mga naturang unprogrammed appropriations na ginamit na pinagmulan ng korapsyon.
Dahil dito, hihintayin lamang ng grupo na matapos ang isang taong ban upang pormal na idulog ang naturang reklamo sa Kongreso.











