Naramdaman na ng ilang magsasaka sa lungsod ang matinding init na dala ng Super El Niño, kung saan pangunahing naapektuhan ang mais at iba pang pananim.
Ayon kay CDRRMD Head Nick Jabagat batay sa datos ng Agricultural Productivity Office, bagama’t maliit pa ang naturang bilang, nagpapatuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng mabilis na tulong sa sakahan.
Kabilang sa mga ipinamahaging suporta ay ang mga kagamitan tulad ng bomba ng tubig, tubo, at tangke para sa pagpapaunlad ng mga bukal, pati na rin ang pamamahagi ng abono para sa lupa.
Dahil dito, umaasa ang lokal na pamunuan na makatutulong ang mga naturang gamit upang maprotektahan ang ani at kabuhayan ng mga magsasaka.











