Handa na ang Police Regional Office 10 sa pagpapatupad ng seguridad sa 233 sementeryo sa buong rehiyon para sa pagdiriwang ng Undas.

Nilinaw ni Police Major Joan Navarro, spokesperson ng PRO-10, na aabot sa mahigit 7,000 tauhan ang itatalaga simula ngayong Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Ipinaliwanag ng opisyal na mahigit 4,000 dito ay purong miyembro ng kepulisan, habang ang iba ay mula sa mga force multipliers at mga kaalyadong ahensya tulad ng AFP, PCG, at BFP.

Dahil dito, hinimok ng kepulisan ang publiko sa pagsunod sa mga alituntunin upang manatiling maayos at ligtas ang pagdalaw sa mga yumao.