Pinatunayan ng National Union of Peoples’ Lawyers na hindi talaga natuto ang mga kongresista sa mga ilegal na sistema sa badyet matapos isama na naman ang mga lump-sum at unprogrammed funds sa bagong ipinasang 2027 budget.

Ipinaliwanag ni Atty. Ephraim Cortez, Presidente ng NUPL, na kahit pa man sa sunod-sunod na pagdidiskwalipika ng Korte Suprema sa katulad na pondo sa mga nakaraang taon, nananatili pa rin ang mga lihim at walang malinaw na laang pondo.

Nanawagan ang abogado na kinakailangang batikusin at labanan ng publiko ang hindi magupiling bisyo ng mga opisyal sa pag-abuso sa pondo ng taumbayan.