Kinundena ng Youth Rage Against Corruption ang pondo ng bansa dahil sa pagpabor sa bilyon-bilyong pork barrel imbes na unahin ang batayang pangangailangan ng taumbayan.

Ibinunyag ni Youth Rage Against Corruption Co-Convenor Francesca Duran na malaking pinsala sa sektor ng edukasyon ang mahigit ₱50-billion na budget cut sa DepEd at ang pagbawas sa pondo ng 48 na State Universities and Colleges.

Idinagdag ng opisyal na ginamit lamang sa patronage politics at personal na interes ng mga politiko ang ₱840-billion na pondo para sa mga flood control at ayuda.

Hamon ngayon ng naturang pangkat ng kabataan na pawiin ang mga naturang tiwaling pondo at ibuhos ang pera sa mga paaralan at batayang serbisyo.