Inungkat ng Stop Corruption Alliance ang inilaang pondo ng bansa dahil sa pananatili ng mahigit ₱100-billion sa porma ng pork barrel, mga soft pork sa ayuda, at unprogrammed appropriations.

Nilinaw ni Stop Corruption Alliance Convenor Elmer Jon Mupas na bukas at napakadaling abusuhin sa korapsyon ang naturang pondo dahil walang malinaw na transparensya.

Idinagdag ng opisyal na kabilang sa mga nakitang red flag ay ang pananatili ng malaking confidential funds kahit sa mismong tanggapan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

Dahil dito, ang panawagan ng grupo ay “lahat ng sangkot managot!” sa tiwaling sistema ng gobyerno.