Nanawagan ang Masa Sara Duterte Alliance (MASADA) na kinakailangang makulong at managot sa batas si Presidente Ferdinand Marcos Jr. at ang mga mambabatas na nasa likod ng unconstitutional na national budget.

Batay sa pahayag ni MASADA Founding Convenor Ben Ranque, malinaw na pag-abuso sa kapangyarihan at pagyapak sa Konstitusyon ang sobrang pagpapasok ng mga unprogrammed appropriations sa pondo ng bansa.

Binigyang-diin ng opisyal na walang sinoman ang labaw sa batas at hindi dapat abusuhin ang pwesto upang diktahan lamang ang pera ng taumbayan.

Hamon ngayon ng grupo na tuparin ng kasalukuyang administrasyon ang desisyon ng Korte Suprema at walang pag-aalinlangang hulihin ang lahat ng sangkot sa naturang paglabag.