Nagsimula na ang malawak na paghahanda ng pamahalaan ng Cagayan de Oro para sa pagdiriwang ng Undas batay sa inilabas na opisyal na utos ng lungsod.

Ayon kay CDRRMD Head Nick Jabagat, ipinakatap na ang mga security, traffic, at medical teams sa 20 pampubliko at pribadong sementeryo kabilang na sa mga terminal at daungan.

Binigyang-diin ng opisyal na mananatili pa rin ang 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi na pagbubukas ng mga sementeryo kung saan mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapasok ng inuming nakalalasing.

Hamon ngayon ng disaster office sa mga bisita na iwasan ang pagbisita sa tanghaling-tapat upang hindi maapektuhan ng matinding init ng araw.