Isinailalim na sa pormal na intervention sa kanilang bawat barangay ang limang drayber na nagpositibo sa isinagawang Oplan Harabas ngayong linggo sa Westbound at Eastbound Terminal sa Cagayan de Oro.
Ibinunyag ni PDEA Misamis Oriental Provincial Director Expedito Cardona Jr. na bukod sa intervention, haharap din sa pormal na parusa at pagkasuspinde ng lisensya ang mga naturang drayber mula sa LTO at LTFRB.
Dugtong pa ng opisyal, upang maipagpatuloy ang element of surprise, irerekomenda ng tanggapan sa Regional Peace and Order Committee na gawin nang quarterly ang random drug testing sa mga terminal.
Dahil dito, nagbabala ang PDEA sa lahat ng mga drayber na huwag ilagay sa peligro ang seguridad ng mga pasahero upang makaiwas sa kaso at pagkawala ng kabuhayan.










